1. “Ang Mindoro Nickel ay lumalabag sa isang 25-taong moratoriyum laban sa pagmimina na itinalaga ng Sangguniang  Panglalawigan ng Oriental Mindoro.” Ang Sangguniang Panglalawigan ng Oriental Mindoro ay nagpalabas noong Enero 2002 ng isang ordinansa na nagdedeklara ng isang 25-taong moratoriyum sa lahat ng uri ng pagmimina.  Ang moratorium na ito ay salungat sa mga pambansang batas ayon sa mga resolusyon, opinyon, memoranda, at liham na ipinilabas ng: Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal o Department of Interior & Local Government or DILG (click link to documents: Opinion No. 39, Series of 2002, and Memorandum Circular 2012-181) Kagawaran ng Katarungan o Department of Justice or DOJ (click link to documents: Opinion No. 8, Series of 2005, and Opinion upholding DILG Memorandum Circular 2012-181) Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman o Department of Environment and Natural Resources or DENR (clink link to documents: Opinion of May 20, 1999 on the query of Hon. Demetrio Sonza, and Opinion of October 8, 2008 on the Agusan Petroleum FTAA) Konseho sa Pagsusulong ng Mga Mineral o Minerals Development Council or MDC, through is Executive Director (click link to document: Memorandum of March 31, 2009) Nabanggit ng MDC Memo ang Batas sa Pagmimina ng Pilipinas ng 1995 na nagsasaad na “ang DENR ang siyang may pananagutan sa wastong paggamit ng mga kayamanang mineral ng Estado.” Nabanggit din sa Memo ang 2005 Opinyon ng DOJ na nagsasaad na “ang kalayaan sa pagpapahayag ng mga salungat na pananaw ay hindi nangangahulugang ang mga yunit ng pamahalaang lokal ay makapagsasabatas ng mga ordinansang sumasalungat sa batas na ginawa ng Kongreso tulad ng Batas sa Pagmimina.  Hindi maaaring ipawalang-bisa ng mga ordinansa at mga resolusyon ng mga yunit ng pamahalaang lokal ang mga lehislasyon na ipinalaganap ng Kongreso.” 2. “Ang Bayan ng Sablayan, Occidental Mindoro ay nagpasa ng isang resolusyon na negdedeklara ng isang 25-taong moratoriyum sa  malakihang pagmimina.” Ang Sangguniang Bayan ng Sablayan sa Occidental Mindoro ay nagpasa ng moratoriyum noong Disyembre 10, 2007 ngunit hindi ito sinang-ayunan ng Sangguniang Panglalawigan ng Occidental Mindoro. Ang moratoriyum ay walang bisa alinsunod sa MDC Memo noon March 31, 2009 (click link to document: Memorandum of March 31, 2009) 3.  “May nakaambang panganib ang Mindoro Nickel sa produksiyon ng bigas ng Mindoro.” Ang pahayag na ito’y tila batay sa pagkabahalang ang minahan ay makakaapekto sa kabuuang halaga o kalidad ng tubig para sa paggagamitan ng lokal na patubig.  Suplay ng Tubig Ang mga lugar na pinanggagalingan ng tubig sa Occidental Mindoro ay hindi maaapektuhan ng proyekto.  Ang kabuuan ng proyekto ay matatagpuan sa silangang bahagi ng katubigang humahati sa mga kapatagan ng Occidental Mindoro at Oriental Mindoro. Ang mga pinaplanong aktibidad – na kinapapalooban ng unti-unting at sunod-sunod na pagmimina na may sukat lamang na 100 ektarya kada taon at susundan kaagad ng rehabilitasyon at pagtatanim ng mga halaman at puno – ay hindi magdudulot ng pinsala sa suplay ng tubig sa mga taniman ng palay sa Oriental Mindoro at Occidental Mindoro. Humigit-kumulang sa 60% ng produksyon ng palay sa Oriental Mindoro ay sinasabing nagmumula sa Calapan, Victoria, at Naujan.  Ang mga lugar na ito ay dinadaluyan ng tubig mula sa mga sumusunod na ilog: Mag-Asawang Tubig, Pangalaan, Bucayao, at Baco.  Ang tubig sa mga ilog na ito ay nanggagaling naman sa gulod ng kabundukan sa kalagitnaan ng Mindoro. Ang kabuuang sukat ng pinagdadaluyan ng tubig ng mga ilog na ito ay humigit-kumulang sa 192,000 ektarya.   Mula sa sukat na ito, mga 33,000 ektarya (o 17% lamang ng kabuuang sukat ng pinagdadaluyan ng tubig ng mga ilog na ito) ang pinagkukunan ng tubig para sa katimugan ng Mag-Asawang Tubig at Pangalaan na siya namang pinanggagalingan ng tubig para sa mga sakahan ng palay sa Victoria at katimugang kalahating bahagi ng Naujan. Ang mga sakahan sa ibang bahagi ng Naujan at sa kabuuan ng Calapan ay kumukuha ng tubig mula sa mga ilog ng hilagang Bucayao at Baco – kapwa nasa labas ng lugar ng proyekto. Ang kabuuang sukat na kinasasakupan ng pag-aari ng MNP ay 11,300 ektarya. Mula sa sukat na ito, mga 5,000 ektarya lamang ang magiging panghuling sukat ng tenement. Mga 3,500 ektarya– humigit-kumulang lamang sa 1/3 ng pag-aari ng MNP – ang katatagpuan ng laterite na maaaring minahin. Mga 1,900 ektarya – higit lamang ng bahagya sa 3,500-ektaryang maaaring minahin – ang mapagkukunan ng mga mineral para sa 20 taong produksyon. Ayon sa mga kasalukuyang plano ng kumpanya, mga 100 ektarya lamang ang miminahin kada taon, at susundan kaagad ang bawat 100 ektaryang miminahin ng rehabilitasyon at pagtatanim ng mga puno. Ang miminahing 100 ektarya kada taon ay katumbas lamang ng mga 0.05% ng pinagdadaluyan ng tubig para sa Mag-Asawang Tubig.  Samakatwid, ang mga pinaplanong aktibidad na kaugnay ng pagmimina ay hindi magdudulot ng pinsala sa suplay ng tubig sa mga sakahan sa Occidental o sa Oriental Mindoro. Kalidad ng Tubig Lahat ng lugar na maaapektuhan ng pagmimina ay lalagyan ng mga settling and polishing ponds upang mapigilan ang pag-alpas ng buhangin o putik sa mga likas na daluyan ng tubig. Ang mga sapa o batis na lumalagos o dumadaloy patungo sa mga lugar na pagmiminahan ay ililihis upang maiwasan ang pag-apaw ng tubig sa mga sapa o batis na ito at ang paghahalo ng tubig sa mga minahan Alinsundod sa mga iniaatas ng regulasyon, lahat ng pagsisikap ay gagawin upang maiwasan ang pag-alpas ng buhangin o putik mula sa minahan.  Walang dinamita o anumang pampasabog ang gagamitan sa lahat ng bahagi ng operasyon ng pagmimina. Walang nakalalasong kemikal ang pakakawalan sa kapaligiran na makasasama sa kalikasan. Magsasagawa ng malawakang rehabilitasyon at pagtatanim ng puno upang mahadlangan ang anumang posibilidad ng pagguho ng lupa. 4. “Sisirain ng Mindoro Nickel ang posibilidad ng tuluy-tuloy na produksyon ng pagkain sa malapit na hinaharap; inilalagay ng MN sa  panganib ang seguridad sa pagkain at ang kabuuang ekolohiya ng Oriental Mindoro.” Ilang mga inisyatiba at mga pamamaraan ang ipatutupad ng MN upang maiwasan ang mga hindi kanais-nais na epekto ng pagmimina sa kapaligiran, partikular na sa pagsasaka at pangingisda.  Ang mga inisyatibang ito ay alinsunod sa batas at malinaw na inilalarawan sa Environmental Impact Assessment (EIA) ng kumpanya. Ang minahan ay matatagpuan sa isang sekundaryong lupain ng kakahuyan (secondary forest terrain) kung saan wala o di kaya’y napakadalang ng  mga karaniwang gawaing pang-agrikultura.  Walang sakahan ng palay ang gagamitin sa pagmimina man o sa mga pasildad sa pagpo-proseso ng mga mineral. Pagtutuunan ng pagmimina ang pagkuha ng mga lupa na mayaman sa nickel at cobalt na malapit sa ibabaw – ang nangingibabaw na 5 hanggang 15 metro ng lupa na matatagpuan sa lugar.  Huhukayin at dadalhin ang mga lupa na nagtataglay ng mineral sa isang planta kung saan ipo-proseso ang mga ito upang makuha ang nickel at cobalt. Makaaapekto ang pagmimina sa isang lugar na may sukat lamang na 100 ektarya kada taon.  Hindi ito gagamit ng anumang mga kemikal o dinamita.  Magtatalaga ng mga maayos na kaparaanan upang maiwasan ang pagdaloy ng mga latak sa paligid ng pinagmiminahan.  Matapos ang pagmimina, ihuhugis muli ang lupain upang mapagbuti ang katatagan ng dalisdis (slope stability).  Upang maiwasan ang pagguho ng lupa, maglalagay ng mga wastong daluyan ng tubig at putik bago taniman ng mga halaman at puno na  likas na matatagpuan sa Mindoro. Ang iminumungkahing lugar kung saan itatayo ang planta ay sasakop sa dalisdis ng isang burol malapit sa Pola.  Tataniman ng niyog ang mga 60% ng 200- ektaryang lugar kung saan pinaplanong itayo ang planta.  Ang mga latak na materyales mula sa pagpo-proseso ng mga mineral ay ilalagay sa isang matatag na lagakan sa isang lambak malayo sa mga lupain sa paligid.    Ang programang Livelihood Enhancement through Agro-Forestry (LEAF) ng Intex ay isang maagap na pamamaraang  isinasakatuparan ng kumpanya upang masiguro ang patuloy na produksyon ng pagkain at bilang pagtugon na rin sa  panawagan ng pamahalaan ng malawakang pagtatanim ng mga puno sa buong bansa.  Idinesenyo ang proyekto upang   mahikayat ang mga lokal na magsasaka ng mas maayos na paggamit ng kanilang lupain at makapagdulot ng tuloy- tuloy na kita na lumalago sa paglipas ng panahon habang sunod-sunod ang pag-aani ng parami ng paraming mga pananim. Inilunsad noong huling bahagi ng  taong 2011, ang LEAF ngayon ay ganap na ang pag-usad; humigit kumulang sa 200,000 mga pananim ang ngayo’y pinapalaganap ng proyekto. 5. “Sisirain ng Mindoro Nickel ang mga watersheds ng Mindoro.” Ang mga alituntunin para sa watershed management and development sa Pilipinas na inilathala ng DENR ay kumikilala sa kakayanan ng pagmimina at pagtitibag (mining and quarrying) na makapagbigay ng malaking kontribusyon sa pag-unlad ng ekonomiya.  Kung kaya’t hindi makatotohanang umasa na hindi pahihintulutan ang pagmimina sa lahat ng watersheds. Maaaring gawin ang pagmimina at pagtitibag bilang mga pangkabuhayang gamit ng watershed sa kondisyong isang ganap na environmental impact assessement ang naisagawa na at isang detalyadong mitigation and monitoring plan ang istriktong ipinapatupad. Ang Mindoro Nickel ay magsasagawa ng forest management and erosion control measures upang maiwasan ang labis na pag-iimbak ng putik o buhangin sa kapaligiran ng watershed at ang pagbabaha sa Mindoro. Ang mga plano ng Mindoro Nickel ay naaalinsunod sa pangangalaga ng natitirang biodiversity, mga nakamamanghang tanawin, at pagkalinga sa mga pinagkukunan ng  tubig sa Mindoro. The sukat ng lugar kung saan nabatid nang may matatagpuang mga mineral ay katumbas lamang ng mga 1/3  ng kabuuang lupain kung saan pinapayagan ng pamahalaan ang pagmimina. Ang lupain naman kung saan pinapayagan ng pamahalaan ang pagmimina ay katumbas lamang ng mas mababa pa sa 1/3 ng kabuuang sukat ng catchment area o likas na imbakan na pinagkukunan ng tubig ng Mag-Asawang Tubig. Samantala, ang Mag-Asawang Tubig naman ay kumakatawan lamang sa 1/3 ng kabuuang sukat ng mga catchments para sa Oriental Mindoro Ang kabuuang mga deposito ng mineral ay kumakatawan sa 11% ng buong catchment area ng Mag-Asawang Tubig; ang mga depositong ito ay miminahin sa loob ng 40 taon Ang aktibong pagmimina sa bawa’t taon ng operasyon ng Mindoro Nickel ay makaapekto lamang sa 0.05% ng Mag-Asawang Tubig watershed. Ang project area ay walang kahit anumang kaugnayan sa mga likas na watersheds ng Occidental Mindoro. Ang mga watersheds ng Mindoro ay hindi maaapektuhan ng mga aktibidad ng Mindoro Nickel.   Sa panahon ng aktwal na pagmimina,  ang mga aktibidad na ito ay limitado – sa anumang oras – sa isang lugar na katumbas lamang ng 1% ng kabuuang tenement area o pag-aari ng Mindoro Nickel (humigit-kumulang sa 100 ektarya kada taon mula sa kabuuang 11,300 ektarya). Kilala sa tawag na “sequential mining” o “pinagsunod-sunod na pagmimina”, ang pamamaraang ito ay makapagdudulot ng mas maayos na pamamahala sa pagkuha ng mga mineral at ng patuloy na pangangalaga sa kalikasan. Ang Mindoro Nickel ay ganap na susunod sa mga probisyon ng Batas sa Pagmimina (Mining Act) hinggil sa proteksyon at pangangalaga ng mga apektadong kakahuyan at watersheds.  Ipatutupad ng Mindoro Nickel ang Environmental Protection and Enhancement Program (EPEP) nito na popondohan taun-taon ng di bababa sa  3%-5% ng direct mining and milling costs. Mayroong mga 126 na proklamado at protektadong watershed areas sa Pilipinas.  Ang pagmiminahan ng Mindoro ay wala sa mga lugar na ito. 6. “Sisirain ng Mindoro Nickel ang huling natitirang likas na kagubatan sa Mindoro.” Ang karamihan sa mga halaman at puno na kasalukuyang matatagpuan sa lugar na pagmiminahan ay mula sa secondary and tertiary growth forest kasunod ng malabis at bahagyang di napangasiwaang pagtotroso noong dekada 60 at 70.  At dahil walang pagtatanim na isinagawa matapos ang pagtotroso, ang kasalukuyang kakahuyan ay lubhang napasama ang kalagayan.  Ang pagmimina ay kabibilangan ng paghuhukay na malapit sa kalatagan o ibabaw ng lupa at lilimitahan sa 100 ektarya kada taon;  ito’y susundan agad- agad ng muling pagtatanim ng mga halaman at puno. Saklaw ng programa sa pagtatanim ang pagbabalik sa dating anyo ng kapaligiran ng kagubatan batay sa impormasyong nakalap ng mga siyentipiko mula sa University of the Philippines – Los Baños Foundation na nakapagsaliksik na tungkol sa mga katutubong flora and fauna (mga halaman, puno at mga hayop) sa lugar. Salungat sa mga pahayag, ang proyekto ay magsasagawa ng sistematikong rehabilitasyon ng mga mininang lugar na naglalayong buhaying muli ang likas na kagubatan sa dati nitong kalagayan.  Ang operasyon ng Mindoro Nickel ay magdudulot ng mas magandang kalidad ng mga halaman at puno kung saan isasagawa ang rehabilitasyon.  7.  “Imposible ang rehabilitasyon sa mga lugar na pinagminahan.” Posible ang rehabilitasyon sa mga lugar na pinagminahan.  Maraming halimbawa ng matagumpay na rehabilitasyon sa mga lupaing mayaman sa laterite kung saan nagkaroon ng pagmimina, tulad ng sa mga minahan sa Berong sa Palawan, at sa Taganito sa Surigao del Norte.  Ang mga kumpanyang nagmina sa mga lugar na ito ay nagsagawa ng pagtatanim sa ganitong uri ng lupain at nagtamo ng mga kasiya-siyang resulta.  Ang laterite ore (o batong o lupang pinagmumulan ng nickel at cobalt) sa pinapanukalang minahan ng Mindoro Nickel, kumpara sa mga ores, na matatagpuan sa ibang mga minahan sa Pilipinas, ay hindi nagtataglay ng sulphides.  Ang laterite ore ay isang likas na uri ng lupa na matatagpuan sa pagmiminahan ng Mindoro Nickel. Kasama sa programa ng rehabilitasyon ng Mindoro Nickel ang: (1) panibagong paghuhugis ng mga pinagminahang lugar; (2) ang pagde-deposito ng pang- ibabaw na lupa o top soil sa mga pinagminahang lugar; at (3) ang pagtatanim ng mga katutubong halaman na sadyang pinili upang likhaing muli ang orihinal na biodiversity sa lugar.  Isang mahalagang isyu sa programang ito ang paggamit ng mga grupo ng katutubong halaman na maaaring yumabong sa kabila ng mga katangiang likas ng lokal na lupa at klima. Ang imbentaryo ng biodiversity na isinagawa ng University of the Philippines Tropical Resources and Ecosystems Sustainability (UPLB-TREES) bilang bahagi ng isang mas malawak na pag-aaral ukol sa pangagalaga ng kalikasan ang siyang magiging batayan sa pagpapanumbalik at muling pagtatanim ng mga likas na uri ng mga halaman at hayop sa kagubatan matapos ang pagtigil ng operasyon sa mga pinagminahang lugar.   Ang mga aktibidad na ito ang magpapadali sa muling pagkokolonisa at pagbubuong panibago ng isang ganap na likas na biosphere.   8. “Inilalagay ng Mindoro Nickel sa panganib ang ubod ng yamang biodiversity sa probinsya.” Maling palagay ng pahayag na ito na ang operasyon ng pagmimina ay makaaapekto sa mga malawakang lugar na hindi pa nagagalaw ng tao at magpapaliit sa mga likas ng tirahan ng mga ilap na hayop o sa mga likas na halaman. Sa kasalukuyan, ang lugar na pagmiminahan ay inuukopa ng secondary and tertiary growth forest na resulta ng malabis na pagtotroso may 40 taon na ang nakakaraan. Bagaman ang lugar kung saan tinatayang matatagpuan ang nickel at cobalt ay sumasakop sa mahigit sa 11,000 ektarya, ang pagmimina ay makakaapekto lamang sa mga 100 ektarya kada taon.  Ang mga lugar na ito ay dagliang isasailalim sa rehabilitasyon matapos ang pagmimina, samantalang lilipat naman ang pagkukuha ng mga mineral sa susunod na bloke. Ang mga lugar na sumailalim na sa rehabilitasyon – maliban pa sa pagkakaroon ng iba’t ibang mga halaman at puno bunsod ng programa ng pagtatanim – ay magkakaroon din ng mga maliliit na dagat-dagatan at maaayos na daluyan ng batis at sapa na magsisilbing santwaryo para sa unti-unting pagbabalik ng mga hayop at mga tanim na maaaring manatili at dumami sa lugar. Kasama sa plano ng pagmimina ang pagtatalaga ng isang buffer zone o puwang mula sa pampang ng mga buhay na ilog o sapa upang magsilbing proteksyon ng kagubatan.  Ang lahat ng paggamit sa lupain ay pansamantala at hindi makapagbabawas ng biodiversity; ito’y makapagdudulot pa nga ng mga kundisyon na mas maayos at mapapanatili para sa pagyabong ng biodiversity sa lugar pagkatapos ng pagmimina.  Ito’y taliwas sa kasalukuyang lagay ng lugar kung saan hindi matatag at di sapat ang lupaing may mga tanim -- isang tanawin nagmula pa sa mga panahon ng pagtotroso sa lugar. 9. “Lubhang nararapat na mauna ang  pangangalaga o konserbasyon ng mga halaman, ibon at mga hayop na panlupa sa lugar na pagmiminahan;  napakalawak ng mga lupain at mga tubigang malayo sa aplaya na mataas ang biological importance.” Ipinapangako ng Mindoro Nickel na ang lugar na pinagminahan na sumailalim na sa rehabilitasyon ay magiging mas maayos ang kalagayan kumpara sa sitwasyon dito bago magsimula ang operasyon ng pagmimina. Ang environmental baseline study  para sa lugar na pagmiminahan ay isinagawa sa loob ng dalawang taon.  Ang pag-aaral – na may kasamang pagma- mapa ng flora and fauna, pati na rin ang pagsusuri ng mga sample ng tubig at lupa– ay nakapagbigay ng maliwanag na pagkaunawa at kaalaman at ng mga detalyadong datos ng kasalukuyang kalagayan sa kapaligiran ng lugar na pagmiminahan at ng iminumungkahing lugar na pagtatayuan ng planta sa pagpo- proseso ng mga mineral. Kasama rin sa plano ng pagmimina ang isang komprehensibong programa ng rehabilitasyon na magbubunsod ng mga makabuluhang pagpapabuti ng kapaligiran at ng mga kundisyon para mapangalagaan at tuluyang mapanatili ang biodiversity. Makakasama sa mga hakbangin ng rehabilitasyon ang: Pagtatatag ng mga dalisdis (slope stabilization) at pagko-kontrol ng pagguho (erosion control) Pagbabalik ng lupa sa ibabaw ng mga dalisdis (Re-soiling of the slope surfaces) Sistematikong pagbabalik ng katutubong flora and fauna sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga cover crops tulad ng centrozema at iba pang katutubong mga halaman at puno para sa nurse crops propagation at pangangalaga ng kagubatan. Paghimok sa species succession* upang mapahintulutan ang likas na pagyabong na muli ng mga katutubong species ng mga halaman at puno ng kagubatan at ang pagbabalik mula sa mga karatig-pook ng mga katutubong species ng palahayupan sa lugar na sumailalim na sa rehabilitasyon (*Inilalarawan ng species succession ang proseso kung saan ang iba’t ibang species ay umaangkop o nagbabago at pagkatapos ay pinapalitan ng ibang species habang ang ekolohiya ng isang kapaligiran ay nagbabago rin) 10.  “Sisirain ng pagmimina ang agro-turismo sa Mindoro.” Hindi totoo ito.  Ang pagmimina ay mapaloob lamang sa isang limitadong lugar kada taon at kagyat na susundan ng pagtatanim.  Dahil dito, ang mga gawaing may kaugnayan sa pagmimina ay hindi lilikha ng permanenteng pagkasira o malaking pilat sa likas na kalupaan. Dagdag pa dito, ang lugar na pagmiminahan ay matatagpuan sa silangang bahagi ng mga mabababang burol na nasa gulod ng bundok sa kalagitnaan ng Mindoro.  Ang pagmiminahan ay matatagpuan na bahagyang nasa likuran ng isang bulubunduking pook sa gitna ng Dagat-dagatan ng Naujan at ng mga kabundukan sa kalagitnaan ng Mindoro.  Dahil dito, ang pagmiminahan ay makikita lamang mula sa iilang lugar. Ang pagmimina ay hindi magpapakawala ng mga di katanggap-tanggap na kemikal sa mga likas na daluyan ng tubig.  Ang mga ito’y ilalagay sa isang serye ng mga settling ponds kung saan lilinisin ang dumadaloy na tubig mula sa operasyon bago ito pakawalan sa mga batis o sapa.  Lahat ng dumadaloy na tubig mula sa mga matataas na lugar ay ililihis sa paligid ng mga lugar kung saan aktibo ang pagmimina upang maiwasan ang mga pagguho ng lupa.  Ang mga pamamaraang ito ay makatitiyak na ang pagmimina ay hindi magbubunga ng mga di kanais-nais na epekto sa paningin man o sa kapaligiran. 11.  “Sisirain ng pagmimina ang mga natitirang kagubatan sa kapatagan ng Occidental Mindoro.” Hindi totoo ito.  Ang kabuuan ng iminumungkahing lugar ng pagmiminahan ay matatagpuan sa silangang bahagi ng watershed sa kahabaan ng gulugod ng kalagitnaang mga kabundukan ng Mindoro. Lahat ng mga gawaing may kaugnayan sa pagmimina at ang paghahakot ng ore ay magaganap sa silangang bahagi ng watershed na ito.  Samakatwid, walang anumang materyal o pagdaloy ng tubig mula sa iminumungkahing pagmiminahan ang lulusong patungo sa mga kagubatan sa kapatagan ng Occidental Mindoro. 12.  “Ang proyekto ay walang suporta sa Mindoro.” Hindi totoo ito.  Ang mga petisyong nakalap mula sa mga kampanyang pag-edukasyon at impormasyon na isinagawa sa lahat ng mga barangay at mga bayan ay nagpapatunay na napakalaki ng suporta para sa proyekto ng mga ordinaryong mamamayan mula sa mga apektadong mga pamayanan. 13.  “Aalisin ng pagmimina ang maraming mga Mangyan mula sa kanilang mga ninunong lupain.” Hindi totoo ito.   Ang karamihan sa natukoy na laterite ore ay matatagpuan sa mga matataas na talampas at malayo sa mga ilog kung saan ang nakararaming sa mga katutubo ay higit na gustong manirahan.  Napakakaunting mga pamilya, kung mayroon man, ang pakikiusapang pansamantalang lumipat ng tirahan sa operasyon ng pagmimina.  Ang mga kundisyon sa paglilipat ng tirahan ng mga katutubong pamilya na gumagamit at naninirahan sa lugar kung saan pinahihintulutan ng pamahalaan ang kumpanya na magmina at masisinsinang tinalakay sa mga pamilyang ito.  Ang mga detalye ng kanilang paglipat ng tirahan ay napagkasunduan at nakasaad sa isang Memorandum of Agreement, na kinabibilangan ng mga tuntunin at mga kundisyon para sa kanilang kabayaran. Ang mga Mangyan ay isang lagalag o nomadic na mga tao na nagpapalipat-lipat sa loob ng kanilang mga ninunong lupain.  Limitadong lugar lamang ang maaapektuhan ng pagmimina kada taon.  Pagkatapos ng pagmimina, ang pinagminahan at agad-agad na isasailalim sa rehabilitasyon at isasauli sa may-ari alinsunod sa iniaatas ng MOA at ng mga batas na ipinapatupad sa pagmimina.  Sa gayon, walang Mangyan ang kinakailangang umalis sa kanilang ninunong lupain. Sa isang banda, ang pagmimina ay makapagdudulot ng maraming oportunidad sa trabaho at ng pagkukunan ng pandagdag na kita para sa mga apektadong komunidad ng mga Mangyan, mula sa mga pagbabayad ng royalty at iba pang mga inisyatibong pang-suporta sa komunidad alinsunod sa itinatakda sa MOA. 14. “Palalalain ng pagmimina ang suliranin sa pagbabaha ng Mindoro.” Hindi totoo ito.  Hindi pagmimina ang dahilan ng pagbabaha sa Mindoro.  Hindi palalalain ng Mindoro Nickel ang suliraning ito.  Sa isang banda, makatutulong pa ang proyekto na maibsan ang pagbabaha sa Mindoro sa pamamagitan ng pag-aayos ng daloy ng tubig sa mga lokal na batis habang nagmimina at pagkatapos nito. Ang kasalukuyang suliranin ng pagbabaha sa Mindoro ay dala ng mga likas na dahilan.  Kapag ang malalakas na pag-ulan sa mga immature terrain ay nagiging sanhi ng madalas na pagguho sa mga matatarik na dalisdis (slopes) ng mga bundok (mayroong mang mga halaman at puno sa kagubatan o wala), ang mga lupa, putik at iba pang mga bagay na dala ng pagguho ay napupunta sa mga mabababang burol.  Ang biglaang paghina ng daloy ng tubig ulan ay nagiging sanhi ng pag-iimbak ng mga labi o basura na dala ng pagguho.  Sa paglipas ng panahon, pupunuin ng mga labing ito ang ilalim ng dating dinadaluyan ng ilog o riverbed kung kaya’t kapag umulan muli ng malakas ay magkakaroon ng mga panibagong daluyan ng tubig o di kaya’y aapaw ang tubig na siyang magiging dahilan ng pagbaha. Ang pagko-kontrol sa daloy ng tubig ulan ay maaaring isagawa upang maibsan ang panganib ng pagbabaha sa mahabang panahon.  Ito’y sa pamamagitan ng pagpapagawa ng mga levees o dike at ng paghuhukay ng mga panibagong daluyan ng ilog kung saan nagbuo ng mga sea deltas (mga hugis tatsulok at malalawak na sukat ng putik at buhangin na naimbak at nabuo sa bunganga ng ilog).  Subali’t ang solusyong ito ay nangangailangan ng malaking halaga ng salapi na mahihirapang kalapin ng mga lokal na pamahalaan ng Mindoro kung ang mga kasalukuyang kinikita lamang nito ang pagbabatayan.  Ang mga malilikom na buwis at kita mula sa Mindoro Nickel na mapupunta sa mga lokal na pamahalaan ay magbibigay kakayanan sa mga ito na magtayo ng mga proyektong pang-imprastraktura na makapagpapahupa sa pagbabaha. 15.  “Sino ang makikinabang sa Mindoro Nickel: ang mga Mindoreños o ang Intex Resources?” Maaaring ang pahayag na ito ay sumasalamin sa pananaw na marami sa mga operasyon ng pagmimina noong nakaraan at sa maraming bahagi ng daigdig – kasama ang Pilipinas – ay madalas na nagdulot lamang ng hindi tuwirang pagtulong sa pag-unlad ng mga lokal na komunidad, o di kaya’y tahasang hindi binigyang pansin ang bagay na ito. Sa maraming mga kaso, ang pagtulong sa mga komunidad noong mga nakaraang panahon ay limitado lamang sa lokal na pag-e-empleo at sa ibang hindi pirmihang pagsu-suplay ng mga pangangailan ng naghahanap-buhay sa minahan.  Nguni’t sa kabilang dako, ang mga batas sa pagmimina ngayon ay nag- uutos sa mga proyekto ng pagmimina na magbigay – bukod pa sa mga oportunidad sa pagtatrabaho – ng mga pondo para sa lokal na pag-unlad ng mga komunidad at sa pagpapalakas ng mga kasanayan ng mga mamamayang naninirahan dito. Ang proyekto ay isang rin pagsososyo sa kontrata kasama ang pambansang pamahalaan na siyang nagtatakda ng mga tuntunin at kundisyon para sa mga  kita sa pagbubuwis ng pambansa at lokal na pamahalaan. Nagpahayag na ang Mindoro Nickel ng layunin nitong: magtatag ng pangunahing opisina at headquarters sa Mindoro mag-angkat at magluwas ng direkta sa Mindoro tumangkilik ng mga institusyong pinansyal sa Mindoro para sa mga pangangailangan nitong pang-operasyon Ang Mindoro Nickel ay magdudulot sa dalawang probinsya ng Mindoro ng di matutumbasang pagkakataon para sa masaganang paglago ng ekonomiya, para sa mga oportunidad sa paghahanap-buhay, at para sa pag-unlad ng industriya na matagal nang umiiwas sa isla at sa mga mamamayan nito. 16. “Ang plantang magpo-proseso ng mga mineral ay nakaambang magdulot ng maraming panganib sa kalikasan.” Hindi tototo ito.  Ang processing plant ng Mindoro Nickel ay dinisenyo upang matugunan ang mga pamantayan sa pangangalaga ng kalikasan na itinakda ng DENR at ng mga internasyonal na institusyon. Ang planta ay gagamit ng mga subok at napatunayan nang hydrometallurgical technology and platform na katulad ng ginagamit ng Coral Bay sa Palawan para sa minahan at processing plant ng nickel nito.  May isang dekada nang ginagamit ng Coral Bay ang processing plant at wala ni isa mang isyu o di kanais-nais na insidenteng nangyari sa loob ng panahong ito.  Ang mga buhay-pandagat at mga koral sa mga lugar na nakapalibot sa proyekto ay nananatiling hindi naaapektuhan ng operasyon ng pagmimina. Isinasakatuparan na rin ang reforestation program ng Coral Bay, at maayos ding ipinatutupad ng proyekto ang programa nito sa pangangalaga ng mga bakawan. Gagamitin ng Mindoro Nickel ang teknolohiya sa pagpo-proseso ng mga mineral na katulad ng sa Coral Bay.  Nguni’t ang Mindoro Nickel ay gagamit ng mas pinagbuti pang pamantayang teknikal at pang-kalikasan na maaaring makuha para sa mga pasilidad nito. 17. “Ang paggamit ng sulphuric acid ay nakaambang magdulot ng pang-industriyang panganib” Hindi totoo ito.  Di tulad ng planta ng Coral Bay sa Palawan, hindi bibili ang Mindoro Nickel ng sulfuric acid ngunit gagawa ito na sariling sulfuric acid kung kinakailangan.  Mababawasan nito ang panganib sa kapaligiran na maaaring mangyari sa paghahakot ng naturang kemikal. Gagamit ang Mindoro Nickel ng raw sulfur prills, isang kakambal na produkto ng industriya ng langis.  Susunugin ito upang makagawa ng gas na ihahalo sa tubig para makabuo ng sulfuric acid.  Ang prosesong ito ay exothermic – isang reaksyon na nagpapakawala ng enerhiya sa anyo ng init.  Ito’y maglilikha ng lahatang carbon-free electrical power na kailangan para sa processing plant.  Mayroong itong excess power na 20 megawatts na maaaring ikonekta sa lokal na planta ng kuryente. Dahil lilikha ng sarili nitong acid mula sa likas na sulfur prills, paliliitin ng Mindoro Nickel ang posibilidad na madumihan ang tubig bukal o ang pagkasira ng kahit anong bagay sa kapaligiran. Ang likas na sulfur ay hindi natutunaw sa tubig at nananatiling stable kung ito’y nakabilad lamang. 18.  “Ang processing plant ay magdudulot ng tone-toneladang mapanganib na dumi o hazardous waste.” Hindi totoo ito.  Ang latak na manggagaling sa processing plant ay hindi magdudulot ng panganib sa tao man o sa hayop.  Ang naprosesong latak ay magiging malapot na tila paste at may taglay na 20-40% na tubig – mayaman sa iron at mayroong magnesium, calcium, manganese, silica, aluminum at kaunting latak na sulfates. Ang mataas na nilalamang iron sa latak ay maaaring pagkunan ng iron ore.  Ngunit ang magagamit na teknolohiya para maproseso ang materyal na ito ay maituturing pang napakamahal.  Ang latak ay iti-treat at ang natitirang acid ay lubusang nuneutralisahin bago ilipat ang mga ito at ilagay sa tinatawag na residue storage facility.  Iti-treat ang latak sa pamamagitan ng paggamit ng apog, na siya ring makapagnu-neutralisa sa natitirang acidity at gagawin itong isang malapot na bagay na walang anuman idudulot na panganib sa kapaligiran. 19.  “Ang mga tirang materyales na galing sa processing plant ay nagdudulot ng panganib sa kapaligiran dahil dinudumihan nito ang tubig bukal o mga pinagkukunan ng tubig na ginagamit sa irigasyon o inumin.” Hindi totoo ito.  Ang mga latak na solid ay iimbakin sa isang containment facility na ang ilalim ay lalagyan ng mga materyal na di maaaring tagusan tulad ng mga lining o di kaya’y ilang patong ng luwad o clay.  Dahil na rin sa mga materyal na ito, hindi na mahahawaan ng anumang latak – solid man o likido – ang tubig bukal sa paligid ng planta. Ang komposisyong kemikal ng mga effluents (tubig na ginamit ng planta sa pagpo-proseso ng mga mineral) ay tutugon sa mga itinakda ng regulasyon na  environmental threshold values (hangganan sa bilang ng kemikal na hindi makasasama sa kapaligiran).  Ang komposisyon ay susubaybayan bago at pagkatapos ilabas sa planta ang effluents.  Kapag sapat na ang pagkatuyo ng mga latak na tumigas na, isang patong ng pang-ibabaw na lupa o top soil ang idagdagdag upang mapakinabangan ang latak sa muling pagtatanim ng mga halaman at puno. Humigit-kumulang sa 60% ng tubig na gagamitin sa pagpo-proseso ng mineral (tubig dagat) ay gagamiting muli sa planta.  Ang natitirang bahagi ay ilalabas nang walang idudulot na panganib sa dagat dahil ang komposisyong kemikal nito ay halos papantay sa tubig dagat.  Ang mga ilalabas na tubig sa dagat ay tutugon sa mga pamantayang pang-kalikasan para sa effluents, na inaatas pa pati temperatura ng tubig. 20.  “Gagawin ng pagmimina na susunod na bersyon ng Marcopper ang Mindoro.” Wala itong katotohanan.  Ang nakalulungkot na sakuna ng Marcopper sa Marinduque ay hindi mangyayari sa Mindoro dahil talagang magkaiba ang mga sistema at pamamaraan ng Marcopper at Mindoro Nickel. Una.  Ang Marcopper ay isang porphyry copper mine (minahan ng isang uri ng bato na pinagkukunan ng tanso) na nagmina mula sa isang open pit (bukas na hukay) na nangailangan ng isang drain tunnel (lagusan ng tubig upang maiwasan ang pagbabaha).  Ang pagguho ng  drain tunnel ang pangunahing dahilan ng insidente sa Marinduque.  Sa isang banda, ang Mindoro Nickel ay batay sa laterite ore (uri ng bato na pinagkukunan ng nickel at cobalt) na miminahing paunti-unti at sa sunod-sunod na paraan mula sa mabababaw na hukay at hindi mangangailangan ng drain tunnel.  Sa uri ng pagmiminang ito, ang mga likas na tabas ng lupain ay halos hindi magbabago.  Pangalawa.  Inimbak ng Marcopper ang mga mine tailings (tubig na may mga halong putik at kemikal na ginamit sa pagpo-proseso ng tanso) sa isang malaking hukay na tapos nang pagminahan.  Sa sawimpalad, ang drain tunnel ng hukay na ito ay gumuho.  Samantala, ang Mindoro Nickel ay mag-iimbak ng mga latak mula sa pagpo-proseso ng nickel sa isang residue storage facility na maingat na dinisenyo at itatayo alinsunod sa pinakamataas international engineering standards. Pangatlo.  Sadyang napakalaki ng pagkakaiba ng porphyry copper at nickel laterite ores.  Ang copper ores ay nagtataglay ng sulphides, isang uri ng kemikal na lumilikha ng asido.  Ang laterite ores naman na  kilala rin sa tawag na oxide ores ay hindi nagtataglay ng anumang sulphides para maging sanhi ng acid rock drainage (o paglikha ng asido mula sa bato). Pang-apat.  Magkaibang pamamaraan ang ginagamit sa pagmimina ng porphyry copper at ng nickel laterite ores.  Ang copper ore ay karaniwang minimina sa malalalim na open pit.  Samantala, ang laterite ore ay matatagpuan lamang malapit sa ibabaw ng lupa at nangangailang ng pamamaraan ng pagmimina na kung tawagin ay contour surface mining o pagmimina na sumusunod sa tabas ng ibabaw ng lupain. Panglima.  Magkaiba ang pagpo-proseso ng copper at nickel.  Ang pagpo-proseso ng copper sa Marcopper ay gumamit ng karaniwang paggiling at mineral flotation plant na gumagawa ng copper concentrate na idinadaan sa isang smelter o pangtunaw.  Ang Mindoro Nickel naman ay gagamit ng isang pamamaraan ng pagpo-proseso na kung tawagin ay hydrometallurgical kung saan kukunin ang nickel mula sa bato sa pamamagitan ng tubig.  Pang-anim.  Ang mga nakalantad at napagminahan nang mga lugar sa Marcoper ay nagkaroon ng malaking posibilidad na maglikha ng asido dahil sa diseminasyon ng sulphides sa mga malalapit na mga bato.  Hindi mangyayari ito sa Mindoro Nickel dahil ang likas na nickel laterite sa lupa ay nagtataglay lamang ng oxides at hindi ng anumang sulphides na naglilikha ng asido. 21.  “Ang 200-metrong dam na itatayo ng Mindoro Nickel para sa Residule Storage Facility nito ay magdulot ng panganib sa kaligtasan ng mga naninirahan sa Mindoro.” Hindi totoo ito.  Ang dam ay ididisenyo at itatayo upang matagalan ang mga lindol na maaaring maganap sa Mindoro.  Maging ang dam ay 20 o 200 metro man, ito’y itatayo at ididisenyo alinsunod sa mga pinakamataas ng pamantayan. Ang paggawa ng mas malaking sukat ng pundasyon ng dam kaysa sa taas nito ang isang pangunahing dahilan para maging tunay na matatag ang istrukturang ito.  Ang kumpanya ng mga inhinyerong kinontrata ng Mindoro Nickel para gawin ang panimulang disenyo ng dam ang siyang nagtayo rin ng ilang dams na napaglabanan ang lindol kamakailan sa Chile na may lakas na intensity 8.8. Bilang paghahambing, ang mga pyramids – isa sa pinakanakamamanghang mga istruktura sa buong mundo na nakatagal sa mga hamon ng mahabang panahon – ay may mga pundasyon na ang sukat ay dalawang beses ang nilaki kaysa sa taas ng mga ito (o may ratio na 2:1).  Ang dam ng Mindoro Nickel ay magkakaroon ng base-to-height ratio na di bababa sa 4:1. 22.  “Walang komunidad na nakinabang sa pagmimina.” Ang Baguio City ay isang magandang halimbawa ng isang komunidad na umunlad at nakinabang sa pagmimina.  Karamihan sa mga minahan sa paligid ng Baguio ay tumigil na ang operasyon ngunit ang lungsod ay patuloy pa ring maunlad at nananatiling isa sa mga pangunahing lugar ng turismo sa Pilipinas. Sa buong daigdig, maraming halimbawa ng mga lungsod at mga bansa na itinatag sa pagmimina.  Patuloy ang pamamayagpag ng mga lugar na ito kahit wala nang pagmimina sa ngayon, ngunit sila’y mga mauunlad na sentro ng kultura at kalakal. Ang Kuala Lumpur, bilang halimbawa, ay dating isang minahan ng lata.  Ngayon, ang Kuala Lumpur ay isa sa mga pangunahing lungsod sa mundo.  Dahil na rin sa mga pagpapaayos at pagpapagandang isinagawa dito kamakailan, kaunti na lang ang magpapa-alala sa kasalukuyang henerasyon ng nakaraan ng Kuala Lumpur. Kasama sa iba pang mga tanyag na lungsod ng pangmimina ay ang Sudbury sa Canada, Johannesburg sa Timog Africa, Essen-Dusseldorf-Dortmund sa Alemanya, at marami pang iba. Ang Canada, Sweden, Alemanya ay mga halimbawa ng mga bansang utang ang malaking bahagi ng kasalukuyan nilang kinatatayuan, pag-unlad ng kanilang industriya, at ang kanilang yaman sa pagmimina. 23.  “Ang unang titulo ng MPSA ng Mindoro Nickel ay kinansela noong 2001.” Ang unang MPSA ng proyekto ay kinansela ng dating kalihim ng DENR na si H. Alvarez dahil sa mga pahayag na: (1) ang proyekto ay nasa isang protected watershed na nangangailangan proteksyunan ng DENR; (2) ang mga apektadong lokal na pamahalaan ay sumasalungat sa proyekto; (3) walang pinagsasaligang nakasulat na kasunduan sa mga katutubo sa lugar; (4) hindi kikita ang proyekto ayon sa mga pag-aaral ng Mines and Geosciences Bureau (MGB); (5) ang lugar na sakop ng MPSA ay binabagtas ng dalawang earthquake faults; (6) ang Aglubang Mining Corp. ay nakagawa ng isang malaking paglabag sa MPSA sa pagkabigo nitong magsumite ng Declaration of Mining Project Feasibility. Ang lahat ng mga pahayag na ito ay inimbestigahang muli ng MGB. Sa report nito, natuklasan ng MGB na walang anumang paglabag sa mga itinakda ng MPSA contract at tumupad ang kumpanya sa lahat ng mga kinakailangan ayon sa kontrata.  Ibinalik ng Tanggapan ng Pangulo noong 2004 ang MPSA sa orihinal nitong kalagayan at may pahayag pang nagkamali si Kalihim Alvarez nang kinansela niya ang MPSA nang walang angkop na proseso.
Intex Resources Philippines Inc. 2014